Friday, April 3, 2020

April 03, 2020

Dahil sa lockdown, hiling ng isang ama na masilayan ang pumanaw na anak sa huling pagkakataon


Viral ang Facebook post ng isang naghihinagpis na ama dahil nais nitong masilayan at makasama ang pumanaw na anak sapagkat hindi niya ito mapuntahan dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa bansa.

Sa post ni Magsino John Michael, bumiyahe sa Masbate para magbakasyon ang kanyang asawa at anak noong March 12, bago ipatupad ang lockdown sa bansa kung kaya hindi niya agad napauwi ang kanyang mag-ina sa Batangas kung saan ang kanilang tahanan.

Isang linggo lang sana umano ang bakasyon ng kanyang mag-ina ngunit hindi niyo akalain na aabutan sila ng lockdown sa Batangas.

Basahin ang buong post ni John Michael sa ibaba:

"Alam ko napaka imposible ng gusto ko mangyari ngayon...

"Lalo na lockdown ngayon walang byahe sa lahat ..

"Sana may mabuting kalooban na makatulong sakin.gusto ko lang po Makita Ang anak ko na NASA masbate 1 yr and 10 months na po sya, ngayong gabi po namatay Ang aking anak ....

"andito po ako ngayon sa probinsya ko sa bilaran nasugbu batangas masilayan ko man lang po hanggang sa huling sandali nya sa mundong ibabaw ...hanggang sa mailibing sya..

"Di ko naman po akalalin na maglolockdown umalis sila Nung march 12,2020 Kaya pinayagan ko Ang mag Ina ko na nagbakasyon dun. Nang isang linggo lang Sana ,,Hindi naman ako nakasama sa kanila dahil bago pa lamang ako sa bago Kong pinapasukan na trabaho. Kung Alam ko lang po hindi ko na Sana sila pinauwe sa masbate ..Sana may makatulong sakin.. napakasakit saken bilang magulang na nawalan ng anak at ni Hindi ko man lang sya mapuntahan...

"Sana po may maging instrumento Ang panginoon para akoy matulungan nyo . Maraming salamat po..

"09168437780 / 09103811681 eto po contact number ko sa mga nais po tumulong . Maraming salamat po

"Anak naka dilat pa Mata mo ah Alam ko inaantay mo talaga ako sorry anak Wala magawa si Dadi mo eh. Wag ka mamagalit saken anak Kasi Wala ako Jan . Patawad anak.

"Sana may makatulong saken na makaalis talaga ako .. may mabuting loob na makatulong saken. Sorry anak..sorry



****

Thursday, April 2, 2020

April 02, 2020

Ang kailangan natin ngayon ay Lider na MAGBUBUKLOD, hindi magdadagdag ng TAKOT - John Arcilla


Ayon sa beteranong aktor na si John Arcilla, sa panahong naghihirap ang sambayanang Pilipino sa kinakaharap na krisis bunsod na kumakalat na sakit na coronavirus ay kailangan umano ng bansa ang lider na magbubuklod at hindi yung magdadagdag ng takot sa publiko.

“Palagay ko, sa PANAHON ng TAKOT at GUTOM, KRISIS at EPIDEMYA ang kailangan natin ay mga LIDER na MAGBUBUKLOD sa atin at HINDI magdadagdag ng TAKOT at PAGKAKA HATI-HATI ng BANSA. Kabayan, kung di ka naniniwala dyan, HINDI KA MAKABANSA. HANGARIN ang PAGKAKAISA,” ayon kay John sa kanyang Twitter account.
Tila ang pinapatamaan ng aktor sa kanyang mga sinabi ay ang Pangulong Duterte matapos ang kanyang naging pahayag laban sa mga residente ng Sitio San Roque na lumabag sa ipinapatupad na enhanced community quarantine sa bansa.

“My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay, na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead! Tingnan natin. Patay. Eh kaysa manggulo kayo diyan, eh libing ko na kayo,” ayon kay Pangulong Duterte.

Hati naman ang naging reaksiyon ng mga netizen sa pahayag ng aktor na si John.

Ang ilan ay sinasabing tama si John at sana umano ay maliwanagan na ang karamihang Pilipino.

Meron naman nagsabi na sana ay basahin at intindihing mabuti ang nilalaman ng mensahe ng Pangulo at huwag gamitin ang posisyon bilang aktor para siraan ang gobyerno.

“Basahin nyo muna yung full context ng transcript nung sinabi ni PDU30 pra maliwanagan kayo.. Wag nyo gamitin platform nyo pra masira yung govt at si PDU30.. kausapin nyo co actors napa ka OA d nmn nkaintindi.. Lastly, mas marami pa rin kmi Pro Govt Pro PDU30 at hindi kmi TROLLS.” ayon sa isang netizen.

****
April 02, 2020

Lolo, sa lansangan na nakatira matapos hindi madatnan ang asawang umuwi ng Bicol dahil sa lockdown


Viral ang post ng netizen na si Mae Ann Hao-Reginaldo kung saan ay namataan niya sa kalye ang isang matandang lalaki na ngungulila sa kanyang asawa.

Kwento ni Mae Ann, 80-anyos na si Mang Antonio na dating magsasaka sa gitnang luzon at ngayon ay nag-aayos na lamang ng mga sirang payong sa gilid ng lansangan.

Ayon umano kay Mang Antonio, nasa Cubao siya noong marinig niya ang pag-lockdown sa buong Metro Manila kung kaya binalak nitong umuwi sa Batasan Hills upang makasama ang kanyang asawa.

"Ngayon, lockdown, 80 na si Antonio. Nasa Cubao siya, naghahanap ng magpapagawa ng payong nang marinig ang tungkol sa lockdown. Uuwi sana siya sa Batasan Hills para makasama ang asawa." ayon kay Mae Ann.

Noong nasa daan raw siya ay nakasalubong nito ang kanilang mga kapitbahay at sinabing isinama ng kanyang biyenan ang kanyang asawa pauwi ng Bicol.

Parehong walang cellphone ang mag-asawa kung kaya hindi na sila nakapagpaalam sa isat-isa.

"Sa daan pauwi, nakasalubong niya ang mga kapitbahay niya, isinama raw ng biyenan niya si misis pauwi sa Bicol bago magsara ang NCR. Walang cellphone ang mag-asawa, hindi nila makakausap man lang ang isa't isa habang may lockdown." kwento ni Mae Ann.

Sa ngayon ay naglalagi si Mang Antonio sa harap ng isang pawnshop sa P. Tuazon na umaasang maabutan ng mga taong mabubuti ang loob.



Basahin ang buong post ni Mae Ann sa ibaba:

"Noon, Pinatubo. Tinabunan ng lahar ang mga bahay, palayan, at kabuhayan sa Gitnang Luzon. Hindi na nakapagsakang muli si Antonio Sumang, tubong Macabebe.

"Ngayon, lockdown, 80 na si Antonio. Nasa Cubao siya, naghahanap ng magpapagawa ng payong nang marinig ang tungkol sa lockdown. Uuwi sana siya sa Batasan Hills para makasama ang asawa. Malaki na ang nag-iisang anak niya, hindi na nila kasama sa bahay. Sa daan pauwi, nakasalubong niya ang mga kapitbahay niya, isinama raw ng biyenan niya si misis pauwi sa Bicol bago magsara ang NCR. Walang cellphone ang mag-asawa, hindi nila makakausap man lang ang isa't isa habang may lockdown.

"Sa labas ng isang pawnshop sa P. Tuazon naglalagi si Mang Antonio kapag hindi siya umuuwi sa kanila. Ipinakita niya ang mga gamit niya sa pag-aayos ng sirang payong. Binigyan ko siya ng tinapay. Binigyan naman niya ako ng mansanas, hindi raw niya mangunguya ito. Humingi siya ng vit. C. nung Biyernes. Dinalhan ko siya ng konti kahapon.

"Mabait naman daw sa kanya ang mga pulis sa checkpoint sa kanto ng 15th Av. at P. Tuazon. Minsan ay binibigyan siya ng pagkain.

"Ngayong naka-enhanced quarantine ang lahat, umaasa lamang si Mang Antonio sa kabutihang-loob ng mga nagdaraan.

****
April 02, 2020

Angelica Panganiban, humingi ng tawad sa pagsuporta kay Duterte noong nakaraang eleksyon: “Patawarin niyo ko”


Nagpahayag ng pagsisisi ang aktres na si Angelica Panganiban sa pag-indorso niya kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 eleksyon.

Ito ay matapos ang naging aksiyon ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Pasig Mayor Vico Sotto na umano'y paglabag ng batang alkalde sa Bayanihan to Heal as One Act.

Sa kanyang Twitter account, naghayag ng opinyon ang aktres tungkol sa naging hakbang na ginawa ng NBI.

“Wala silang mapag-initan. Si mayor Vico talaga? Kung sino pa may natutulong at maayos na sistema, siya pa kakasuhan? HANEP!” ayon kay Panganiban.

“Eh nasan na yung nagkalat ng virus sa [Makati Medical Center]? So far kasi ‘yun pa lang nagagawa niya. Ikalat ang virus. Mapapamura ka na lang pala talaga,” dagdag pa nito na tinutukoy umano si Sen. Aquino “Koko” Pimentel.

Matapos ang kanyang naging tweet ay mayroong isang netizen ang nagtanong sa kanya sa comment section kung nagising na daw ba siya sa pagka-hypnotize.

“Nagising ka na ba sa pagka-hypnotize?” ayon sa netizen.

Sinagot naman ito ng aktres na nakakalungkot pero nagising na daw umano siya sa katotohanan at humingi pa nga ito ng paumanhin.

“Yes. Nakakalungkot. Pero oo. Patawarin niyo ko,” sagot ni Panganiban.

Matapos nito ay maraming netizens ang bumati kay Angelica ng “congrats” at “welcome back”.



****
April 02, 2020

Angelica, Kim, Jodi at iba pang celebrities, may banat sa pagpapa-imbestiga kay Mayor Vico


Matatandaang pumutok ang balita na iimbitahan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang tanggapan si Pasig City Mayor Vico Sotto para magpaliwanag sa umano'y paglabag nito sa pahigpit na patakaran ng pamahalaan tungkol sa enhanced community quarantine para pigilan ang kumakalat na sakit na coronavirus (COVID-19).

Dahil dito ay maraming celebrity ang nagulantang at nadismaya sa naging hakbang na ito ng NBI kung kaya naman kanya-kanya silang naglabas ng hinaing sa kanilang social media account.

Ayon kay Kim Chiu, Ang hirap raw umano sa gobyerno ay kapag gumawa ka ng mabuti sa kapwa ay ang mga taong nasa katungkulan ang makakabangga mo ngunit kapag gumawa ka naman ng mabuti ay mga netizens o maliliit na tao lamang ang makakalaban mo habang ang mga nasa puwesto ay tahimik lamang. 
Ayon naman kay Angelica Panganiban, tila umano ay walang ibang mapag-initan ang mga nasa katungkulan na kung sino pa ang malaki ang naitutulong sa kapwa at maayos ang pamamalakad ay siya pa ang kinakawawa
Pagdidiin naman ni Bianca Gonzalez, dapat ay hayaan nila si Mayor Vico gawin ang kanyang trabaho para sa mga tao dahil nais lamang nitong pamabuti ang kanyang nasasakupan.
Nagbigay rin ng opinyon si Angel Locsin tungkol sa isyung ito at sinabing si Senator Koko Pimentel ang dapat managot sa batas at hindi si Mayor Vico.
Basahin pa sa ibaba ang ilan pang mga celebrity na nagbigay na suporta kay Mayor Vico.

s

Wednesday, April 1, 2020

April 01, 2020

Lalaki, binayaran ang mga pinamili ng isang frontliner na nakasabay sa grocery

Viral ang Facebook post ng isang nurse na si Erv Lyn kung saan ay pinasalamatan niya ang isang lalaki na nagbigay ng tulong sa kanya.

Kwento ni Erv Lyn, isang araw ay dumaan siya sa Robinson's Fuente upang mamili ng makakain bago pumasok sa kanyang trabaho.

Matapos siyang makapamili ng kanyang mga kailangan ay agad siyang pumila sa kahera para sa mga frontliners, nagulat siya nang may nagtanong sa kanyang lalaki kung siya ba ay isang frontliner na agad naman niyang sinagot.

Laking gulat ni Erv nang alokin siya ng estranghero na lalaki na siya na raw umano ang magbabayad sa lahat ng pinamili niya.

I lined up at the Special Lane for Healthworkers .. the guy in front of me asked me if I am a “Frontliner” so I answered back “Yes, Sir ! “ and few moments later he told me that he will Pay for my Grocery. kwento ni Erv Lyn.

Sa una ay tumanggi si Erv Lyn sa alok ng lalaki dahil nahihiya umano siya sabalit nagpumilit ang lalaki na siya nalang ang magbabayad sa kahera.

Tinanong raw ni Erv Lyn ang pangalan ng lalaki para makilala niya ito ngunit tumanggi ang lalaki at sinabing: " No name lang ma'am."

Gayunpaman, napilit naman ni Erv Lyn na makuhanan ng larawan ang lalaki upang kahit na papaano ay mapasalamatan man lang.

“I asked for his name but he said no name lang ma’am and nisugot cia na magtake mi ug picture as a way of my appreciation” ayon kay Erv Lyn.

Dahil dito ay inulan ng mga positibong komento mula sa netizen ang ginawang kabutihan ng lalaki sa kabila ng umiiral na krisis at diskriminasyon ng ilan sa ating mga magigiting na frontliners.

Sa kabila ng krisis na nararanasan ngayon ng bansa ay pinatunayan ng lalaking ito na madami pa rin saatin ang nangingibabaw ang kabutihang loob na handang tumulong sa kapwa.

Basahin ang buong post ni Erv Lyn sa ibaba:

“On my way to work I dropped by at Robinson’s Fuente to get some food to eat since the establishments near my workplace were closed due to ECQ. I lined up at the Special Lane for Healthworkers .. the guy in front of me asked me if I am a “Frontliner” so I answered back “Yes, Sir ! “ and few moments later he told me that he will Pay for my Grocery. I told him na “Ayaw lang ra sir oy!” He said “Pagkuha pa Ma’am, how about chocolates?” I replied shyly “Sakto rani sir, mao rani ako kinahanglan” and he insisted and handed his cash to the cashier. I asked for his name but he said no name lang ma’am and nisugot cia na magtake mi ug picture as a way of my appreciation . THANK YOU SO MUCH , SIR ! Such an angel in disguise☺️ MAY GOD BLESS YOU ALWAYS!

“-Snappy Salute to those people na naka-appreciate sa mga Frontliners!

“#Covid19Stories #CovidFrontliners #NursesPh

****

Tuesday, March 31, 2020

March 31, 2020

Mag-iina na hindi umano nakabayad sa inuupahang bahay dahil sa lockdown, pinalayas ng may-ari


Viral sa Facebook ang larawan ng tatlong mag-iina kung saan ay pinalayas raw umano sila ng kanilang amo sa bahay na inuupahan nila dahil hindi sila nakapag-bayad ng renta sa nakatakdang araw.

Ayon sa post ng netizen na si Nicole Ronquillo, hirap at wala raw income ngayon ang mag-iina dahil walang trabaho ang kanilang padre de pamilya dahil sa ipinatupad na lockdown sa bansa.

"Mga walang awa... kawawa naman po sila pinalayas sa inuupahan nila dahil hindi nakabayad.. Alam naman nila naka-lockdown at walang trabaho ang karamihan." ayon sa post ni Nicole.

Banggit pa ni Nicole, naging caretaker din umano ang pobreng pamilyang ito sa bahay ng kanilang amo noong panahong nasa ibang bansa pa ito, kaya naman sana umano ay binigyan sila kahit kaunting konsiderasyon lalo na ngayong panahon ng krisis.

"Naging caretaker siya nung time na nasa abroad ang may ari ng bahay taga, linis ng dumi ng alaga nilang aso. Tapos ngaun ganyan ang gagawin sa kanila." kwento ni Nicole.


Basahin ang buong post sa ibaba:

"Mga walang awa... kawawa naman po sila pinalayas sa inuupahan nila dahil hindi nakabayad.. Alam naman nila naka-lockdown at walang trabaho ang karamihan. Samanta ang laki ng tulong nila sa may ari nung nasa abroad pa sila ngayon hindi na nila kailangan, pinaalis na nila... 

"Walang trabaho ang asawa niya ngayon dahil sa kumakalat na virus.. Naging care taker siya nung time na nasa abroad pa ang may ari ng bahay, taga linis ng dumi ng alaga nilang aso. Tapos ngayon ganyan ang gagawin sa kanila...

"Nasaan ang konsensya mo EVELYN CAMARAO.. Siya ang may ari ng bahay apat na bahay pinapaupahan niya sa southville 8A. Ang dami samanta hindi siya botante dito walang pakinabang dito sa San isidro.

Sana maaksiyunan niyo to..

#Mayor Tom hernandez
#president duterte

****
March 31, 2020

Matandang mangangalakal na hindi nakakain ng 2 araw dahil sa lockdown, binigyan ng tulong


Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang ginawang pagtulong ng netizen na si Maemae Surio sa isang matandang mangangalakal na hindi nakakain ng dalawang araw dahil sa umiiral na lockdown sa buong Luzon.

Ayon kasi kay Maemae, lumapit sa kanya si lolo Antonio Pabita upang manghingi ng pambili ng makakain dahil dalawang araw na umano siyang hindi kumakain ganun din ang apo niyang Grade 2.

Naawa si Maemae sa kalagayan ni lolo kung kaya naman binigyan niya ito biskwit at gatas upang kahit papaano ay mainitan ang kumakalam na sikmura ng matanda.

Dahil pangangalakal lamang ang ikinabubuhay ng matanda, wala umano siyang kinikitang pera ngayon dahil pinagbabawalan silang mag-ikot dahil sa naka-quarantine pa rin ang Luzon. 


Dahil sa viral post ni Maemae sa social media ay marami umanong nag-tag sa isang sikat na vlogger na si Basel Manadil mas kilala sa tawag na "The Hungry Syrian Wanderer" kung kaya naman agad siyang pinuntahan at nag-abot ng tulong sa matanda.

"The post I saw and people tagged me on the comments. Lucky for Tatay we are on the same City so I didnt waste time to help him right away the next morning ❤" ayon sa post ni Basel
Agad na pinuntahan ni Basel si tatay Antonio sa kanilang bahay sa Las Piñas, Annex Camatsili para mag-abot ng grocery at pera upang hindi namagutom ulit sa panahong naka-lockdown ang bansa.

Paliwanag ni Basel, ibinahagi niya ito hindi dahil para ipagmalaki sa mga tao kundi para imulat na marami tayong kababayan na nagugutom na at nangangailangan ng tulong sa panahon ng krisis sa bansa dulot ng COVID-19.

Ayon pa kay Basel, sana ay maging inspirasyon ito upang magtulungan ang bawat isa sa abot ng makakaya upang tuluyan nang mapigilan ang pagkalat ng nakakamatay na sakit na coronavirus.

****
March 31, 2020

Lalaking namigay ng libreng face masks, binugbog ng mga lasing


Viral sa social media ang nakakalungkot na nangyari sa isang lalaki na nagmamagandang-loob na mamigay ng libreng face masks sa mga tao matapos siyang pagtripan at bugbugin ng mga lasing.

Ayon sa litratong ibinahagi ng netizen na si Genevieve Lim, makikitang nakabalot ng bandage ang ulo ng lalaking si Jun Bado at tila namumula pa ang mga mata dulot ng pangbubugbog sa kanya.

Nagtamo ng sugat sa ulo, pamumula ng mata, nagkapasa at nabali ang kamay ni Jun matapos siyang pagtulungan.

Nangyari ang pangbubugbog kay Jun sa lugar ng Barangay Hinaplanon sa Iligan City.

Ayon umano kay Jun, nais lamang niyang tumulong sa iba kung kaya naisipan nitong magtahi ng face mask at ipamahagi sa mga tao.

Kahit na ganoon ang sinapit ni Jun, sinabi nito na hindi na siya magsasampa ng kaso laban sa mga nangbugbog sa kanya.

Nagbigay naman ng payo ang mga pulisya sa mga nais magbigay ng tulong na makipag-ugnayan muna sa kanila upang masiguro umano ang kanilang kaligtasan.

Inulan naman ng pagkadismaya mula sa mga netizen ang naangyari kay Jun.

Ayon kay Lyn Perea: "mga wlang hiya dn dapt yang mga lasing na yan ang ikulong..wlang silbi....pasalamat sila at my isang good samaritano na nag bbahagi sa ibang tao ng mask n kailangan na kailngan sa kasalukuyan tas nagwa nio pang saktan..dpat po ma aksyunan agd yan ng kinauukulan..get well soon kuya."

Ayon naman kay Nene Borlasa: "Kawawa na tao,, kung sino pa ang tumulong sya pa ang nabugbog, walang pusp ang gumawa sa iyo"

Banggit pa ni Amelia Barez: "Ano ba yan? Dapat makulong yong nangbugbog kc unang una bawal ang mag inom ng alak at mahigpit na ipinag babawal yan pero nag lasingan pa din sila at di pa natuwa nambubog pa mga walanghiya mabulok kayo sa kulungan"

****
March 31, 2020

Lola, ipinamigay ang laman ng sari-sari store sa mga kapitbahay na hindi pa nabigyan ng relief goods


Imbes na ibenta ng 70-anyos na si Evelina "Belina" Torres ng Bgy. San Isidro, Cainta, Rizal ang laman ng kanyang sari-sari store ay minabuti nalang nitong ipamahagi sa kanyang mga kapitbahay na hindi pa nabibigyan ng relief goods.

Ayon sa Facebook post ng kanyang apo na si Marites Edroso, sobrang naawa raw umano ang kanyang lola sa mga taong hindi makatrabaho dahil sa lockdown.

"Nagsara na ng tindahan si Nanay Belina, walang natatanggap na relief goods ang street namin, kaya sya na lang daw ang magkakawang gawa. Kaya yung mga tinda nya pinamimigay na lang nya sa mga mas nangangailangan." ayon sa apo na si Marites Edroso.

Kahit na nasa bahay lang si lola Belina dahil sa enhanced community quarantine, hindi parin umano nawawala sa kanyang ang pagiging matulungin at pagmamalasakit sa kanyang kapwa.

Sa mga larawan na ibinahagi ng kanyang apo, makikitang nasa tindahan si lola Belina habang hawak ang ibang paninda nito na iniaabot ang supot na may lamang biskwit at sachet ng kape.

Kwento ng kanyang apo, magdadalawang linggo na umanong walang natatanggap na relief goods ang kanilang lugar kung kaya naman naawa ito sa mga kapitbahay ng walang trabaho dahil sa lockdown.

"Sabi ni Nanay, 'Marami naman tayong stock, eh 'di itulong na lang'," ani Marites.

Agad din daw ipina-laga ni lola ang mga natirang itlog sa kanyang tindahan upang ipamahagi sa mga kapitbahay.

"Sana maka-inspire ito sa iba na kung makaluluwag ka naman, tulungan mo na rin ang iba," ani Marites.

****
March 31, 2020

Bongbong Marcos, kumpirmadong positibo sa COVID-19


Kumpirmadong tinamaan umano ng nakamamatay na sakit na coronavirus (COVID-19) si dating senador na si Bongbong Marcos ayon sa naging pahayag ng kanyang kampo, Martes.

Ayon sa tagapagsalita ng kampo ni Bongbong, gumaganda na raw umano ang kondisyon ni Bongbong matapos ilabas ang resulta ng COVID-19 test ng dating senador.

"GUMAGANDA na ang kondisyong pangkalusugan ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. makaraang ihayag sa resulta ng clinical test na isinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na siya’y positibo sa COVID-19," ayon kay Victor Rodriguez.

“Simula noong Marso 13, 2020 hanggang sa ngayon ay sinusunod ng dating senador ang health protocol sa mga PUI at taimtim at tahimik nyang tinupad ang ipinaiiral na proseso ng gamutan, ‘tulad ng safety mask at self-quarantine, at walang ingay na inilayo ang kanyang sarili maging sa kanyang pamilya ‘gaya ng isang simple, responsable at ordinaryong pasyente,” dagdag pa ni Rodriguez.

Inihayag ito matapos kumpirmahin ni Sen. Imee Marcos na masama umano ang pakiramdam ng kanyang kapatid pagkauwi nito galing sa Europa.

"Pagkagaling ko sa Europa, tumungo agad ako noong sumunod na araw, Marso 14, 2020 sa isang ospital upang magpasuri dahil sa medyo may pananakit ang aking dibdib at upang matiyak ang aking kondisyong pangkalusugan dahil sa mga panahong ‘yon ay lumalaganap na ang coronavirus," sabi ni Marcos.


Nauna nang binanggit ng kanyang misis na si Liza Marcos na sumailalim na ang kanyang buong pamilya at staff sa COVID-19 test at nag-negatibo raw ang mga ito.

****
March 31, 2020

Libreng singil sa kuryente at tubig ng March, itinutulak sa pamahalaan sa gitna ng COVID-19


Habang apektado ang buong bansa ng enhanced community quarantine, malaki ang maitutulong sa mga mamamayang Pilipino ang itinutulak ng isang labor group na magpatupad ng "zero collection" sa lahat ng public utilities.

Ayon sa Defend Jobs Philippines, kailangan na pawiin ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangamba ng mga manggagawang Pilipino bunsod ng umiiral na lockdown sa buong bansa dulot ng coronavirus.

“Kinakailangang pawiin ng gobyerno ang pangamba ng mga manggagawang Pilipino kung saan kukunin ang pera para sa March bills oras na humupa ang pandemic at bawiin ang mga lockdown,”ayon sa tagapagsalita ng Defend Jobs Philippines. 

“Iniisip ng mga manggagawa kung paano pakakainin ang pamilya nila para manatiling buhay sa krisis oras na mag-normalize ang trabaho nila.”dagdag pa nito.

"Dapat tumugon ang mga pribadong kumpanya ng public utility sa panawagang #ZeroBillsMarch at agaran itong ipatupad bilang parte ng kanilang social responsibility measures," ayon sa Defend Jobs Philippines.

Nauna nang nagpahayag ang SM Supermalls na libre na umano ang paniningil ng renta sa lahat ng kanilang tenant mula ika-16 ng Marso hanggang ika-14 ng Abril.

Ganoon din naman ang ginawa ng Manila City Council sa lahat ng rental dues ng mga tindero't stall owners sa palengke. 

****

Monday, March 30, 2020

March 30, 2020

Lockdown sa buong Luzon, hindi advisable na pahabain ayon kay DILG Sec. Año


Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, ang pagpapatuloy ng enhanced community quarantine sa buong Luzon ay hindi na makatutulong para sa mga Pilipino at sa ekonomiya ng bansa.

Ayon sa kalihim, kailangan sa natitirang dalawang linggo ay seryosohin na ng bawat mamamayan ang pagsunod sa utos ng gobyerno na manatili lang sa bahay upang maiwasan na ng tuluyan ang pagkalat ng nakakamatay na sakin na coronavirus o COVID-19.

"Yung lockdown, hindi advisable na pahabain 'yung lockdown kasi magsa-suffer ng husto 'yung ating economy," ayon kay Año.

"Talagang itong dalawang natitirang linggo na 'to ay seryosohin natin 'to. I tell you maso-solve natin ito, wala lang mga pasaway," dagdag pa ni Año.

Ito ang binigyang diin ng kalihim makaraang pawiin nito ang pangamba ng bawat pilipino tungkol sa posibilidad na pag-extend ng umiiral na lockdown sa buong isla ng Luzon.

Nauna nang sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na ang enhanced community quarantine sa bansa ay maaaring ma-extend sa nakatakdang petsa sa April 14.

"Maaga pa [para ma-assess]. Tandaan po natin ang China, 'yung kanilang Wuhan ay nag-umpisa ng kanilang lockdown January 23 and, in fact, restricted pa rin. Ibig sabihin hindi pa rin completely lifted ang lockdown nila after two months," pahayag ni Duque.

Gayunpaman, sinabi naman ni Año na nakadepende umano sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa pagpapatuloy o kung hanggang kailan ang itatagal ng lockdown.

Naniniwala naman si Año sa tulong ng pakikipagtulungan ng bawat pilipino ay kakayaning mapaaga ang pag-alis ng lockdown sa itinaktang petsa sa April 14.

"Yung pagtaas ng ating positive cases ngayon dahil sa dami na ng test kits na nailabas kaya bumilis, ano, pero hindi ito ibig sabihin na talagang tayo ay nagkakaroon ng spiraling o exponential," paliwanag ng kalihim.

"Kasi nga if we compare our country with other countries like Spain and France and Italy na kung hindi tayo nag-lockdown, sabi ko nga around 20,000 sana 'yung cases natin ngayon," ayon pa kay Año.

****

Sunday, March 29, 2020

March 29, 2020

De lata na yupi-yupi at bigas na may mga insekto, reklamo ng isang residente sa Bataan


Viral sa social media ang reklamo ng isang netizen kung saan ay nakatanggap umano sila ng mga de lata na umano'y ginamit sa "tumbang preso" dahil yupi-yupi umano ito at malapit ng mag-expire.

Pati umano ang ibinigay na bigas ay may mga gumagapang pa na mga insekto na tila pagkain na lamang ito ng mga alagang aso.

"ANIM na de lata na ung physical appearance, akala mo ginamit na sa TUMBANG PRESO ung lata! (See photos attached) Take note, ang expiration date MAY 2020! Ung bigas, baka kahit aso namin hindi kainin eh! (Pakipanood nyo ang video para maniwala kayo!)"

Hindi nakapagpigil na murahin ni Kyelena Plesco ang kanilang Kapitan at Mayor dahil sa naging aksiyon nito sa gitna ng sakunang dinaranas ng kanilang barangay.

"Pucha naman! Mayor!!!!!! Kapitan!!!! Bat naman ho ganto?!?????!!"

Ayon pa kay Kyelena 16 days na at ngayon pa lamang sila nakakatanggap ng relief goods mula sa lokal na pamahalaan at sa kasamaang palad ay palpak pa umano ito.

"Sa Barangay namin eh ngayon lang nakareceive ng relief goods, 16 days AFTER LOCK DOWN"



Basahin ang buong post ni Kyelena sa ibaba:

"Iflex ko lang tong relief goods ng Barangay namin! 😡

"Actually, hindi ko na dapat kukunin yan, pero since may labandera ako, sabi ko kunin ko na at ibibigay ko lahat sa kanya. Kaso jusko naman! Inisa-isa ko ang nakalagay. 🥵

"ANIM na de lata na ung physical appearance, akala mo ginamit na sa TUMBANG PRESO ung lata! (See photos attached) Take note, ang expiration date MAY 2020! Ung bigas, baka kahit aso namin hindi kainin eh! (Pakipanood nyo ang video para maniwala kayo!)

"Now, bakit ako galit na galit at gigil na gigil? 😡

"Pucha naman! Mayor!!!!!! Kapitan!!!! Bat naman ho ganto?!?????!!!! 😡

"TAO po kakain ng relief goods nyo eh! Hindi HAYUP! Pero parang sa klase ng relief goods na pinamigay nyo (na take note ulet, sa Barangay namin eh ngayon lang nakareceive ng relief goods, 16 days AFTER LOCK DOWN, kahit po pang kaning baboy sa mga alagang hayop sa piggery tatanggi eh!

"So whats the sense of this post? Hindi po para magreklamo,(excuse me, may pambile ako, SPAM TOCINO pa kung gusto mo Mayor/Kapitan!), ni wala akong pake sa relief nyo eh! Gusto ko lang marealize naten gaano kabulok ang sistema talaga mula sa ibaba pataas! 😤

"This goes for those poorest of the poor! Ung mga isang kahig, isang tuka, ung no work no pay, ung arawan ang bayad sa trabaho, ung mga MARALITA at mahihirap na sa panahon ng gantong krisis mas lalo nyong pinaramdam sa kanila gaano KAHIRAP MAGING MAHIRAP! 😡

"Matanong ko lang ho? Hindi bat may allocated budget para sa mga gantong crisis? Nasaan ho kaya?! Nakakaaawa ung mga mamamayan nyong bumoto sa inyo, umasa na pagdating ng gantong mga pagkakataon, maaasahan talaga kayo kasi yan naman ang PANGAKO nyo nung CAMPAIGN PERIOD diba?!???? Bakit ho sa ibang LGUs makatao naman ang mga pinamigay? Pakisagot nga ho Mayor/Kapitan!

"Alam nyo po ba ito Mayor/Kapitan? 🙄

"Ung gasgas nyong linya kada magi-speech na kayo during campaign period na "MAKAKA-ASA KAYO!" MAYOR/KAPITAN susmio naman hoooooooooo! 😡

"Itatag ko talaga ang dapat itag! 😡

#DILG
#1Bataan
#AbetGarcia
#BataanWeatherPage


Panoorin ang video sa ibaba:





****
March 29, 2020

Seaman, masama ang loob sa GF dahil nabuntis ito ng ibang lalaki habang siya'y nasa barko


Sa isang Facebook post, ibinahagi ng isang seaman na si Kien Morales Cartagena, ang kanyang naging karanasan at pagka-dismaya sa kanyang dating kasintahan.

Ibinahagi ni Kien ang screenshot ang paguusap kung saan ay inamin mismo sa kanya ng kanyang girlfriend na nabuntis siya ng ibang lalaki.

Ayon sa mensahe ng girlfriend, nakikiusap pa itong huwag ng i-message ni Kien ang lalaking nakabuntis sa kanya upang maiwasan umano ang gulo.

Dahil dito, lubos na nasaktan si Kien kung kaya naman naglabas ito ng sama ng loob sa kanyang Facebook account.

"Just wow. Yung ganitong uri ng babae. Na habang ako'y nasa barko ka at umaasa naman pala sa wala. Habang pala nagtrabaho ako, siya naman nag patrabaho sa iba. Just wow. Petmalu ka girl. E tag sana kita kaso naka block na pala ako. hahaha Pero ok lang masaya kana eh sa mga panloloko mo sa akin. Kung nakipag-usap ka lang sana sa akin ng formal hindi na hahantong sa ganito kaso wala eh. Nakakabastos ka. Di mo alam ang nararamdaman ko habang di ka makausap, pero salamat. Sana wag pamarisan ang tulad mong babe. Wag kang mag alala. Wala ako time mag chat sa bf mo, sayang ang oras ko. Anyway goodluck sa buhay mo. Pinatunayan mo lang SEAMAN na talaga niloloko ngayon." ayon sa kanyang post.

Inulan naman ng batikos mula sa mga netizen ang ex-girlfriend ni Kien at kung ano-anong masasakit na salita ang natanggap nito.

Ganunpaman, ipinagtanggol parin ni Kien ang dating kasintahan mula sa mga netizen at sinabing tigilan na nila ang pagsasalita ng masasama sa kanyang ex dahil nagka-ayos na daw umano sila at matagal na daw itong nangyari.

"Good day po mga Ma'am and sir. Kung pwde lang po wag na natin masyado pag sabihan ang babae ng masasakit na salita. Matagal na po yan hayaan nalang natin kung saan siya masaya. Parehas na kami may kanya-kanyang buhay at naka move on narin kami at naka-pagusap na. Tao lang din po yun nagkasala. tsaka hindi na masama ang Loob ko sa kanya. kaya kung pwde lang, stop sharing na po Diyos nalang bahala sa mga taong ganun. Thank you. and godbless🙏" ayon sa post ni Kien

****

Saturday, March 28, 2020

March 28, 2020

Misis napuno na kay mister: Pinalayas ko Mister ko, ayaw pumirmi sa bahay labas ng labas!


Mahigpit na isinasailalim ng pamahalaan ang buong Luzon sa "enhanced community quarantine" bilang hakbang para mapigilan ang pagkalat ng sakit na tinatawag na coronavirus o COVID-19.

Ang enhanced community quarantine ay kinapapalooban ng istriktong home quarantine na kailangan manatili sa loob ng bahay, pagsuspinde ng public transportation, pagrasyon ng mga pagkain sa mga mamamayan at malawakang pagroronda ng mga awtoridad.

Gayunpaman, kahit na ipinatupad na ang quarantine na ito, madami parin ang mga taong matitigas ang ulo na patuloy parin ang paglabas sa kanilang tahanan kahit na hindi naman importante.

Dahil dito, isang misis ang hindi na nakapagpigil sa kanyang mister dahil sa palaging paglabas nito sa kanilang bahay kahit na mahigpit ng ipinapatupad ang home quarantine.

Ayon sa natizen na si Bratz Aishi, ayaw kasing pumirmi sa kanilang bahay at labas ng labas sa kanilang bahay ang kanyang mister kung kaya pinalayas na lamang niya ito.

Dipensa ni misis, natatakot lang siya na baka mahawa siya at kanyang tatlong anak kung sakali man na tamaan ng virus ang pakalat-kalat niyang mister kung kaya naman hindi na niya ito pinapasok sa kanilang bahay.

Basahin ang buong post ni Bratz Aishi sa ibaba:

"Hindi ako nagbibiro jan ka muna sa labas 15days! makitulog ka muna kila kuya Jake o kung san mo gusto! Di ka pumirmi sa bahay di ka naman sundalo o frontliners pero gusto mo laging nasa lumalabas feeling strong ka? di ka literal na superhero wag kang tanga totoo yang virus di yan joke! Kumpleto naman pagkian dito sa bahay lalabas kpa. kung gusto mo magkasakit magisa ka nalang wag mo na idamay tatlo mong anak OK? jan ka amghanap ng maghahain sayo ng araw araw mong pagkain! ibabato ko nalang sayo lahat ng kailangan mong damit o under wear! basta jan ka nalang muna ayoko gawin to pero tigas ng ulo mo isa ka sa mga bobong labas ng labas wala naman trabaho o kailangan ! kayo salot sa lipunan eh!"





****
March 28, 2020

Pabrika, nabistong nilalabhan at pinaplantsa ang mga nagamit ng face mask para ibenta ulit


Hindi talaga mawawala sa mga tao ang pananamantala sa kapwa kahit na malagay sa panganib ang buhay ng ibang tao basta kumita lamang ng pera.

Hinuli ng mga awtoridad ang isang pabrika sa Nonsuong sub-district sa Thailand dahil sa pag-recycle at pagbebenta ng mga gamit na face mask.

Sa naging ulat ng The National Thailand, inihayag ng pulisya na nakatanggap umano sila ng reklamo mula sa mga residente doon tungkol sa iligal na ginagawa ng pabrika.

Dahil dito ay agad pinuntahan ng mga awtoridad ang nasabing lugar kung kaya naman naaktuhan nila ang mga trabahante na pinaplansta at inilalagay sa kahon ang mga gamit ng surgical mask.

Narekober din ng mga awtoridada ang isang wachine machine na ginagamit upang labhan at magmukhang malinis ang nasabing mask upang maibenta ulit sa mga tao.

“One of the workers told us that they received the used face masks from a dealer and did not know their origins… They also got paid one baht (four Singapore cents) per piece, and they recycled around 300 to 400 masks per day per person,” ayon sa district chief officer na si Somsak Kaewsena.

Dahil dito ay ipapasuri ng awtoridad ang mga nakumpiskang surgical mask upang matukoy kung saan ito nanggaling.

“I have also contacted the Wihandaeng Public Health Office to press charges at the police station as a plaintiff against the factory, as its operation could jeopardise the health of people who buy the used face masks, as well as those in the community near the factory,” dagdag ni Somsak.

Patuloy namang hinahanap ng mga pulis ang may-ari ng pabrika at ang taong naghahatid ng gamit na face mask.

****
March 28, 2020

Anak ng lalaking binalak maglakad mula Bulacan hanggang Bicol, pumanaw na


Nakakalungkot ang sinapit ng amang si Joven Opeña matapos itong maglakad mula Maynila papuntang Bicol para makita ang kanyang anak na kailangan operahan.

Sa kasamaang palad ay hindi rin naabutan ni Joven ang kanyang anak na humihinga dahil hindi pumanaw na ito dahil sa kanyang sakit na gastroenteritis noon pang Enero.

Dahil sa ipinatupad na enhance community quarantine sa buong Luzon at walang masakyan si Joven para makita ang anak na kailangan operahan ay hindi siya nagdalawang isip na maglakad makapiling lang ang kanyang anak.

Sa kanyang paglalakad ay may mga taong mabubuting ang kalooban na nagpasakay at tumulong sa kanya hanggang sa makarating siya sa kanyang pupuntahan.

"Good morning pu ulit sa lahat una sa lahat salamat panginoon dahil nkarating aq sa bicol ng ma ayus dahil sa mga taong nag tulong tulong para sakin.. Sa grab man ng kahirapanq kahirapan ng mga taong nagsakripisyo pra sakin salamat pu sa lahat.. Boss kim kristofier bernardo walang hanggang pssalamatq pu tlga sau.. At sa company nya pu na MDPECSONLAW, at sa boss nya pu maam or sir.. Salmat pu dahil may empleyado kayu na katulad ni sir kim bernardo na kayang itaya ang buhay nya para sa tuladq na nangngailangan ng tulong... Sir kim hayaan mupu na khit dito lng sa postq nato mpsalamatan kta sa lahat pu.. Hindiq pu sya kilala pero tinulungan nya pu aq and habang nsa byahe kmi nag ppray sya na sana safe kmi.. Mrami pu kaming pagsubok na dinaanan anjan yung muntikan ng masimplang sa motor pero sab ni sir kim cge lng lalaban tau hhatid kta.. Sana sir kim maprangalan kpu ng kopanya mu sa kabtihan mupu.. Salamat pu ng marami sa mga sundalo rin pu na npakiusapan nya lalong lalo na ang team army ng gumaca na ang sab ng isa sa knila ittaya nila ang knilang uniformi o trabho pra lng mkalusot kmi.. Sir maraming salamat pu sainyo.. Team din pu ng candelaria army mga sir salamat pu sa pag intidi.. Sana marami pang katulad nyupu.. At sa mag asawa ring mitchil. And jovit pablo maam sir salamat pu ha?? Kc pu timing pu tlga na sa last ng chickpoint sa quezon dna pu tlga kmi pinayagan ni sir kim na mkalusot ng bicol tnx God kc may pinadala nnman c God na back up na mlilipatanq na msakyan cla npu ang famly pablo.. Maam salamat sa paghatid sakin dito sa bmc naga.. Alam mutong pkirmdam na akalaq dna aq mkkrating bicol pero may plano pla ang panginoon.. Nkalipat pu aq sa kotse byahe papunta naga sa tulong narin ng mga sundalo.. Salmat tlga pu sa lahat lahat pu.. Sa mga nag kontact sakin sa fb sa numq sa mga nagpadala.. At sa mga naglowd pu sainyong lahat dko man kayo pu maisa isa bstah salamat pu sa lahat.. Mga kapatid ngayunq pu napatunayan na sa panahun ng kahirapan.sa kwalan ng pag asa anjan ang panginoon handa taung tulungan.. D tayu kailan man nkkalimutan napkbuti pu ng panginoon.. Sa ngayun pu dito naq sa naga mkkitaq na anakq salamat ulit pu sa lhat. Team army. Family pablo. At sir kim brnardo God bless pu"



Ligtas na nakauwi si Joven sa Bicol at dahil lahat ng galing sa Maynila ay kailangan muna sumailalim sa quarantine ay hindi niya agad nasilayan ang kanyang anak na ooperahan sa ospital.

Sa kasamaang palad, halos isang araw lang mula ng makauwi siya ay pumanaw na ang kanyang anak at hindi na niya ito nasilayan ng buhay.

"Dumating napu ang panahong ayaw na ayawq na mangyari itobsa anakq at sa buong pamilyako... Masakit lng pu isipin na dahil sa problema ng boong mundo pumanaw na ang anakq na dko man lng nkausap o na abutan na buhay pa sya yung pakiramdam pu na parang nawalan na talaga aq ng pag asa. Pro kailangan pu tanggapin na wala na tlga anakq... Nak surie pu dman tau nagkita nkausap man lng kta surie pero naniniwala aq nak darating din ang tyme pu na magkikta kita tayu nila mama sa langit.. Salamat anak sa lahatbng massayang ala ala yun nalng nattira dito sa puso ni papa mahal na mahal pu kta.. Surie qng kailanganq lumayu sainyo para mka pag trabho pra sa ating pamilya.. Sa asawa pakattag lu tau mahal kaya natin yan atleast pu dna msyado nhirapan c vhen2.. Salamat ulit anak sa mahabamg panahon na lumaban ka hanggang dumating c papa dito sa bicol.. Sa lahat pu ng mga tao na patoy na naglaban din kasamaq at sa mga tumulong pati sa mga tumutulong pa salamat pu.. SA LAHAT PU NG MGA TATAY. NANAY ITO LNG PU MENSAHE SAINYO.. SA MGA TULADQ NA NAGTTRABHO SA IBANG LUGAR PARA SA KAnilang PQMILYA.. SANA PU HANGGAT MA AARI PU HANGGAT KAYA PU NATIN BUHAYIN ANG ATING PAMILYA SANA WAG NAPU TAYU AALIS SA LUGAR NATIN.. AYAWQ PU MARANASAN NINYO ANG NARANASANQ SA BUONG BUHAYQ NA YUNG MKKITA KO LNG PAMILYAQ KUNG KILAN WALA NAPUNG BUHAY.. MGA TATAY NANAY SANA PU HANGGAT MA AARI KASAMA NATIN PAMILYA NATIN AYAWQ MARANASAN NYU ANG NARANASANQ NA MKKITAQ ANAK KO NA WALA NA SYA.. AND SANA SA LAHAT NG TAO PU ANU MAN KAHIRAPAN PU.. WAG TAU SUSUKO HIGIT SA LAHAT PU MANALIG TAU SA PANGINOON ANU MAN PU ANG PROBLIMA ANJAN PU SYA.. HIGIT SA LAHAT TANGGAPIN PU NATIN ANG OANGINOON BILANG ATAING PANGINOON AT TAGA PAGLIGTAS PU SA ATING MGA PUSO.. HOPE PU NA MARAMI MKKABSA NITO SALAMAT.."



Sa kabila ng nararamdamang hinagpis ni Joven, lubos pa rin siyang nagpasalamat sa mga taong tumulong sa kanya para makauwi ng ligtas sa Bicol.

Payo naman ni Joven sa mga kapwa nito magulang na hangga't maaari ay magtrabaho nalang sa lugar kung saan malapit sa pamilya.

****