Tuesday, March 31, 2020

Lalaking namigay ng libreng face masks, binugbog ng mga lasing


Viral sa social media ang nakakalungkot na nangyari sa isang lalaki na nagmamagandang-loob na mamigay ng libreng face masks sa mga tao matapos siyang pagtripan at bugbugin ng mga lasing.

Ayon sa litratong ibinahagi ng netizen na si Genevieve Lim, makikitang nakabalot ng bandage ang ulo ng lalaking si Jun Bado at tila namumula pa ang mga mata dulot ng pangbubugbog sa kanya.

Nagtamo ng sugat sa ulo, pamumula ng mata, nagkapasa at nabali ang kamay ni Jun matapos siyang pagtulungan.

Nangyari ang pangbubugbog kay Jun sa lugar ng Barangay Hinaplanon sa Iligan City.

Ayon umano kay Jun, nais lamang niyang tumulong sa iba kung kaya naisipan nitong magtahi ng face mask at ipamahagi sa mga tao.

Kahit na ganoon ang sinapit ni Jun, sinabi nito na hindi na siya magsasampa ng kaso laban sa mga nangbugbog sa kanya.

Nagbigay naman ng payo ang mga pulisya sa mga nais magbigay ng tulong na makipag-ugnayan muna sa kanila upang masiguro umano ang kanilang kaligtasan.

Inulan naman ng pagkadismaya mula sa mga netizen ang naangyari kay Jun.

Ayon kay Lyn Perea: "mga wlang hiya dn dapt yang mga lasing na yan ang ikulong..wlang silbi....pasalamat sila at my isang good samaritano na nag bbahagi sa ibang tao ng mask n kailangan na kailngan sa kasalukuyan tas nagwa nio pang saktan..dpat po ma aksyunan agd yan ng kinauukulan..get well soon kuya."

Ayon naman kay Nene Borlasa: "Kawawa na tao,, kung sino pa ang tumulong sya pa ang nabugbog, walang pusp ang gumawa sa iyo"

Banggit pa ni Amelia Barez: "Ano ba yan? Dapat makulong yong nangbugbog kc unang una bawal ang mag inom ng alak at mahigpit na ipinag babawal yan pero nag lasingan pa din sila at di pa natuwa nambubog pa mga walanghiya mabulok kayo sa kulungan"

****

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.