Tuesday, March 31, 2020

Libreng singil sa kuryente at tubig ng March, itinutulak sa pamahalaan sa gitna ng COVID-19


Habang apektado ang buong bansa ng enhanced community quarantine, malaki ang maitutulong sa mga mamamayang Pilipino ang itinutulak ng isang labor group na magpatupad ng "zero collection" sa lahat ng public utilities.

Ayon sa Defend Jobs Philippines, kailangan na pawiin ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangamba ng mga manggagawang Pilipino bunsod ng umiiral na lockdown sa buong bansa dulot ng coronavirus.

“Kinakailangang pawiin ng gobyerno ang pangamba ng mga manggagawang Pilipino kung saan kukunin ang pera para sa March bills oras na humupa ang pandemic at bawiin ang mga lockdown,”ayon sa tagapagsalita ng Defend Jobs Philippines. 

“Iniisip ng mga manggagawa kung paano pakakainin ang pamilya nila para manatiling buhay sa krisis oras na mag-normalize ang trabaho nila.”dagdag pa nito.

"Dapat tumugon ang mga pribadong kumpanya ng public utility sa panawagang #ZeroBillsMarch at agaran itong ipatupad bilang parte ng kanilang social responsibility measures," ayon sa Defend Jobs Philippines.

Nauna nang nagpahayag ang SM Supermalls na libre na umano ang paniningil ng renta sa lahat ng kanilang tenant mula ika-16 ng Marso hanggang ika-14 ng Abril.

Ganoon din naman ang ginawa ng Manila City Council sa lahat ng rental dues ng mga tindero't stall owners sa palengke. 

****

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.