Monday, March 30, 2020

Lockdown sa buong Luzon, hindi advisable na pahabain ayon kay DILG Sec. Año


Ayon kay Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, ang pagpapatuloy ng enhanced community quarantine sa buong Luzon ay hindi na makatutulong para sa mga Pilipino at sa ekonomiya ng bansa.

Ayon sa kalihim, kailangan sa natitirang dalawang linggo ay seryosohin na ng bawat mamamayan ang pagsunod sa utos ng gobyerno na manatili lang sa bahay upang maiwasan na ng tuluyan ang pagkalat ng nakakamatay na sakin na coronavirus o COVID-19.

"Yung lockdown, hindi advisable na pahabain 'yung lockdown kasi magsa-suffer ng husto 'yung ating economy," ayon kay Año.

"Talagang itong dalawang natitirang linggo na 'to ay seryosohin natin 'to. I tell you maso-solve natin ito, wala lang mga pasaway," dagdag pa ni Año.

Ito ang binigyang diin ng kalihim makaraang pawiin nito ang pangamba ng bawat pilipino tungkol sa posibilidad na pag-extend ng umiiral na lockdown sa buong isla ng Luzon.

Nauna nang sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na ang enhanced community quarantine sa bansa ay maaaring ma-extend sa nakatakdang petsa sa April 14.

"Maaga pa [para ma-assess]. Tandaan po natin ang China, 'yung kanilang Wuhan ay nag-umpisa ng kanilang lockdown January 23 and, in fact, restricted pa rin. Ibig sabihin hindi pa rin completely lifted ang lockdown nila after two months," pahayag ni Duque.

Gayunpaman, sinabi naman ni Año na nakadepende umano sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa pagpapatuloy o kung hanggang kailan ang itatagal ng lockdown.

Naniniwala naman si Año sa tulong ng pakikipagtulungan ng bawat pilipino ay kakayaning mapaaga ang pag-alis ng lockdown sa itinaktang petsa sa April 14.

"Yung pagtaas ng ating positive cases ngayon dahil sa dami na ng test kits na nailabas kaya bumilis, ano, pero hindi ito ibig sabihin na talagang tayo ay nagkakaroon ng spiraling o exponential," paliwanag ng kalihim.

"Kasi nga if we compare our country with other countries like Spain and France and Italy na kung hindi tayo nag-lockdown, sabi ko nga around 20,000 sana 'yung cases natin ngayon," ayon pa kay Año.

****

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.