Thursday, April 2, 2020

Ang kailangan natin ngayon ay Lider na MAGBUBUKLOD, hindi magdadagdag ng TAKOT - John Arcilla


Ayon sa beteranong aktor na si John Arcilla, sa panahong naghihirap ang sambayanang Pilipino sa kinakaharap na krisis bunsod na kumakalat na sakit na coronavirus ay kailangan umano ng bansa ang lider na magbubuklod at hindi yung magdadagdag ng takot sa publiko.

“Palagay ko, sa PANAHON ng TAKOT at GUTOM, KRISIS at EPIDEMYA ang kailangan natin ay mga LIDER na MAGBUBUKLOD sa atin at HINDI magdadagdag ng TAKOT at PAGKAKA HATI-HATI ng BANSA. Kabayan, kung di ka naniniwala dyan, HINDI KA MAKABANSA. HANGARIN ang PAGKAKAISA,” ayon kay John sa kanyang Twitter account.
Tila ang pinapatamaan ng aktor sa kanyang mga sinabi ay ang Pangulong Duterte matapos ang kanyang naging pahayag laban sa mga residente ng Sitio San Roque na lumabag sa ipinapatupad na enhanced community quarantine sa bansa.

“My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay, na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead! Tingnan natin. Patay. Eh kaysa manggulo kayo diyan, eh libing ko na kayo,” ayon kay Pangulong Duterte.

Hati naman ang naging reaksiyon ng mga netizen sa pahayag ng aktor na si John.

Ang ilan ay sinasabing tama si John at sana umano ay maliwanagan na ang karamihang Pilipino.

Meron naman nagsabi na sana ay basahin at intindihing mabuti ang nilalaman ng mensahe ng Pangulo at huwag gamitin ang posisyon bilang aktor para siraan ang gobyerno.

“Basahin nyo muna yung full context ng transcript nung sinabi ni PDU30 pra maliwanagan kayo.. Wag nyo gamitin platform nyo pra masira yung govt at si PDU30.. kausapin nyo co actors napa ka OA d nmn nkaintindi.. Lastly, mas marami pa rin kmi Pro Govt Pro PDU30 at hindi kmi TROLLS.” ayon sa isang netizen.

****

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.