Thursday, April 2, 2020

Angelica Panganiban, humingi ng tawad sa pagsuporta kay Duterte noong nakaraang eleksyon: “Patawarin niyo ko”


Nagpahayag ng pagsisisi ang aktres na si Angelica Panganiban sa pag-indorso niya kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 eleksyon.

Ito ay matapos ang naging aksiyon ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Pasig Mayor Vico Sotto na umano'y paglabag ng batang alkalde sa Bayanihan to Heal as One Act.

Sa kanyang Twitter account, naghayag ng opinyon ang aktres tungkol sa naging hakbang na ginawa ng NBI.

“Wala silang mapag-initan. Si mayor Vico talaga? Kung sino pa may natutulong at maayos na sistema, siya pa kakasuhan? HANEP!” ayon kay Panganiban.

“Eh nasan na yung nagkalat ng virus sa [Makati Medical Center]? So far kasi ‘yun pa lang nagagawa niya. Ikalat ang virus. Mapapamura ka na lang pala talaga,” dagdag pa nito na tinutukoy umano si Sen. Aquino “Koko” Pimentel.

Matapos ang kanyang naging tweet ay mayroong isang netizen ang nagtanong sa kanya sa comment section kung nagising na daw ba siya sa pagka-hypnotize.

“Nagising ka na ba sa pagka-hypnotize?” ayon sa netizen.

Sinagot naman ito ng aktres na nakakalungkot pero nagising na daw umano siya sa katotohanan at humingi pa nga ito ng paumanhin.

“Yes. Nakakalungkot. Pero oo. Patawarin niyo ko,” sagot ni Panganiban.

Matapos nito ay maraming netizens ang bumati kay Angelica ng “congrats” at “welcome back”.



****

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.