Friday, April 3, 2020

Dahil sa lockdown, hiling ng isang ama na masilayan ang pumanaw na anak sa huling pagkakataon


Viral ang Facebook post ng isang naghihinagpis na ama dahil nais nitong masilayan at makasama ang pumanaw na anak sapagkat hindi niya ito mapuntahan dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa bansa.

Sa post ni Magsino John Michael, bumiyahe sa Masbate para magbakasyon ang kanyang asawa at anak noong March 12, bago ipatupad ang lockdown sa bansa kung kaya hindi niya agad napauwi ang kanyang mag-ina sa Batangas kung saan ang kanilang tahanan.

Isang linggo lang sana umano ang bakasyon ng kanyang mag-ina ngunit hindi niyo akalain na aabutan sila ng lockdown sa Batangas.

Basahin ang buong post ni John Michael sa ibaba:

"Alam ko napaka imposible ng gusto ko mangyari ngayon...

"Lalo na lockdown ngayon walang byahe sa lahat ..

"Sana may mabuting kalooban na makatulong sakin.gusto ko lang po Makita Ang anak ko na NASA masbate 1 yr and 10 months na po sya, ngayong gabi po namatay Ang aking anak ....

"andito po ako ngayon sa probinsya ko sa bilaran nasugbu batangas masilayan ko man lang po hanggang sa huling sandali nya sa mundong ibabaw ...hanggang sa mailibing sya..

"Di ko naman po akalalin na maglolockdown umalis sila Nung march 12,2020 Kaya pinayagan ko Ang mag Ina ko na nagbakasyon dun. Nang isang linggo lang Sana ,,Hindi naman ako nakasama sa kanila dahil bago pa lamang ako sa bago Kong pinapasukan na trabaho. Kung Alam ko lang po hindi ko na Sana sila pinauwe sa masbate ..Sana may makatulong sakin.. napakasakit saken bilang magulang na nawalan ng anak at ni Hindi ko man lang sya mapuntahan...

"Sana po may maging instrumento Ang panginoon para akoy matulungan nyo . Maraming salamat po..

"09168437780 / 09103811681 eto po contact number ko sa mga nais po tumulong . Maraming salamat po

"Anak naka dilat pa Mata mo ah Alam ko inaantay mo talaga ako sorry anak Wala magawa si Dadi mo eh. Wag ka mamagalit saken anak Kasi Wala ako Jan . Patawad anak.

"Sana may makatulong saken na makaalis talaga ako .. may mabuting loob na makatulong saken. Sorry anak..sorry



****

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.